Huwebes, Hulyo 28, 2011

Ang Aking blog

Upuan
 
Nag-iisa na naman ako
Isang oras na mauupo
Sa upuang itinadhana na
Sa mga binata't dalaga
Na pawang nagsisipag
Sa kani-kanilang pag-aaral
Ngunit ngayo'y malimit lamang
Ang mga taong naririto.
Ako ma'y naiinip nang talaga
Ngunit kailangang sarili ay mapigilan
Kung nais mo ng karangalan
Hindi man kataasan
Basta't nakakayanan
Para sa sarili't mga magulang.